Thursday, February 18, 2010

PROUD NWU'ista AKO


Minsan ko ng nilait ang school ko, ikinahiya, binatikos dahil sa ilang mga pagkukulang nila. Dumating na rin sa point na halos hindi ako kampante na sabihin sa iba na dito ako nag-aaral dahil sa mga ilang kahihiyang nangyari na halos ang ibang estudyanteng gaya ko ay binabalewala na lang. Nangyari na rin na paulanin ko ng mga batikos ang unibersidad na ito sa aking mga columns sa aming school publication. At higit sa lahat, umabot pa na halos gusto ko ng lumipat ng ibang school. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, naisip ko na, ang paaralang kinabibilangan ko ay parang magulang ko. Parang nanay na minsan ay may mga pagkukulang. Parang tatay na na minsan ay sobrang higpit. May mga pagkakataon mang halos pigain na kami sa tuition fee issues, still inaayos nila ito.
Napagtanto ko, na sa kabila ng lahat ng ito masaya ako dahil dito ko ipagpapatuloy ang aking mga pangarap. Dito ako mahahasa ng mga kakayahang tiyak na magagamit ko sa 'real world'. After all, naniniwala ako na the school only wants the best for the students, kaya siguro sa mga paghihigpit ay nagagawa nila iyon. The only thing is, we have to be open minded. We have to be liberated on every events that happen. Maaaring masaktan tayo but still maaayos naman iag lahat ng ito. Now that I will about to leave the university, my only wish is sana ipagpatuloy nila ang totoong student service na ginagawa nila, na sana maayos na ang lahat ng ito. After all, I gained a lot from this humble unversity a reason why that at the end of the day masasabi kong, 'PROUD NWU'ista AKO'. Hindi ito dahil sa magtatapos ako, o kaya nama'y gustong magpalakas. Ito ay gawang sinsero at galing sa aking puso. Salamat NWU. Salamat sa lahat ng natutunan ko. Salamat sa mga ups and downs na naranasan ko, dahil dito masisiguro kong, magiging proud din kayo sa akin, sa amin.Para sa lahat, MALIGAYANG PAGTATAPOS BATCH 2010!

No comments: